LOOK: Ilang lansangan sasailalim sa road repair ngayong weekend

By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2018 - 03:51 PM

Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasagawa nito ng road repair at re-blocking sa ilang lansangan sa Metro Manila.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), gagawin ang road re-blocking at repairs ngayong Biyernes, mula alas 11:00 ng gabi hanggang sa Lunes, August 27, alas 5:00 ng umaga.

Maliban sa DPWH road repairs, may mga kalsada ring apektado ng restoration works ng Manila Water.

Kabilang sa mga apektado ang mga sumusunod na lansangan:

SOUTHBOUND
• EDSA harap ng Francesca Tower hanggang Sct. Borromeo (3rd lane mula sa center island)
• EDSA bago mag P. Tuazon St. (1st lane mula sa center island)
• C-5 Road pagkalagpas ng intersection ng Green Meadows-C5 Road (Manila Water restoration works)
• C-5 Road pagkalagpas ng Lanuza Ave. (Manila Water restoration works)
• C-5 Road Southbound after Lanuza Ave. (Manila Water restoration works)

NORTHBOUND
• EDSA bago mag-North Avenue (6th lane mula sa center island)
• A.H Lacson Ave. cor. Aragon St., at kanto ng P. Florentino St.
• Batasan Road bago mag Payatas Road (2nd lane)
• Katipunan Avenue sa pagitan ng Capitol Hills Drive Ayala Heights Village (1st lane) (Manila Water restoration works)

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga kalsada at maghanap na lang ng alternatibong ruta para makaiwas sa traffic.

 

TAGS: mmda, Radyo Inquirer, road re-blocking, road repair, mmda, Radyo Inquirer, road re-blocking, road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.