Mga galunggong na nasuri ng BFAR, walang formalin

By Isa Avendaño-Umali August 24, 2018 - 03:22 PM

Kuha ni Ricky Brozas

Walang formalin na sinadyang ilagay sa mga ibinebentang galunggong sa mga pamilihan.

Ito ang lumabas na resulta sa latest test ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.

Sa official statement ng BFAR, sinabi ni Undersecretary Eduardo Gongona na ang resulta ay base sa isinagawa nilang test sa samples ng mga galunggong na nakuha mula sa Balintawak market, Farmer’s market sa Cubao at Navotas fish port noong Miyerkules (August 22).

Bagama’t walang formalin, nakita sa laboratory test na may mababang lebel ng formaldehyde sa sample ng naturang isda.

Agad namang nilinaw ni Gongona na ligtas pa rin ang pagkain ng galunggong, dahil ang formaldehyde ay chemical compound na natural na nagdedevelop kapag namamatay ang mga isda.

Pagtitiyak ng opisyal, mahigpit na babantayan ng BFAR ang bentahan ng mga galunggong, lokal man o imported.

Kailangan din aniya na masiguro na hindi kontaminado ng mga nakalalasong kemikal ang mga isda na ibinebenta sa merkado, para sa kaligtasan ng mga mamimili.

TAGS: BFAR, fish, formalin, Galunggong, Market, BFAR, fish, formalin, Galunggong, Market

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.