Nagsagawa ng inspeksyon si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa nagpapatuloy na expansion project sa Clark International Airport.
Sa ginawang inspeksyon iginiit ni Arroyo na ang CIA ang pinakamainam na alternatibo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Matapos ang insidente sa Xiamen Airlines, sinabi ni Arroyo na kailangan na talagang magkaroon ng alternatibong paliparan sa NAIA.
Sa sandaling matapos ang expansion project sa CIA, mula sa kasalukuyang 2.5 million na pasahero kada taon ay inaasahang tataas sa 10 hanggang 12 million ang passengers capacity ng paliparan.
Sa June June 2020 inaasahang magiging operational ang expanded na bahagi ng CIA.
Ayon kay Alex Cauguiran, presidente ng CIA, ang 210-hectare na paliparan CIA ay magandang alternatibo sa NAIA dahil maari itong makapag-accommodate ng tatlong runways.