Pamilya Mangudadatu dismayado sa pagpayag ng korte na makalabas ng kulungan si Zaldy Ampatuan
Nagpahayag ng pagkondena si Maguindanao Rep. Sajid Mangudadatu sa ginawang pagpayag ng Quezon City RTC Branch 21 na makalabas ng kulungan si Zaldy Ampatuan.
Ayon kay Mangudadatu, hindi makatarungan ang pagbibigay ng furlough ni Judge Jocelyn Solis-Reyes kay Ampatuan.
Siyam na taon na anya ang nakalipas pero hanggang ngayon ay nakararanas pa rin sila at ang ala-ala ng kanilang kaanak na pinatay sa Maguindanao ng indiscriminate assault mula sa mga Ampatuan.
Nagpapakita lamang anya ng bias ang pasya ng korte dahil hindi naman tinatamasa ng mga mahihirap na bilanggo ang furlough.
Sinabi nito na nirerespeto naman niya ang pasya ng korte pero umaasa ito na hindi na masusundan pa.
Umaasa din anya si Mangudadatu sa pangako ng Malakanyang na magkakaroon ng conviction ang mga akusado sa Maguindanao massacre.
Kaugnay nito, maghahain ng resolusyon sa kamara si Mangudadatu upang maimbestigahan ng kamara ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.