Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na sa isinagawang pulong ng Metro Manila Council, napagkasunduan, unanimously na i-extend at ipagpatuloy ang dry-run.
Sinabi ni Garcia na ang long term solution para sa matinding traffic sa Metro Manila ay matutugunan sa pamamagitan ng mga infrastructure projects ng pamahalaan pero aabutin pa ng 3 hanggang 4 na taon ang mga ito bago matapos.
Habang hinihintay sinabi ni Garcia na kailangang gumawa ng mga paraan ng MMDA para kahit paano ay maibsan ang traffic.
Dagdag pa ni Garcia, tataasan din nila ang multa sa illegal parking at gagawin itong P4,000.
Sa panig naman ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, sinabi nitong tataasan din nila ng hanggang P1,000 o higit pa ang multa sa mga bus na lalabas ng yellow lane.
Ani Bautista sa ilalim ng MMDA law, binibigyang kapangyarihan ang MMC na lumikha ng mga polisiya at programa para matugunan ang traffic.