Tamang Panahon tweets ng AlDub itinanghal na “Most-used hashtag” ng Guinness

By Jimmy Tamayo August 24, 2018 - 12:29 PM

Buhay na buhay pa rin ang AlDub fever.

Ito ay makaraang kilalanin ng Guinness World Records ang #AlDubEBTamangPanahon bilang most-used hashtag sa loob ng 24 na oras.

Ayon sa Guinness, ginamit ang nasabing hashtag ng 40,706,392 na beses sa pagitan ng October 24 hanggang 25, 2015.

Winasak din ng nasabing AlDub hashtag ang 35.6 million na record sa twitter ng 2014 Fifa World Cup semi-final match sa pagitan ng Germany at Brazil.

Ang hashtag na AlDubEBTamangPanahon ay ginamit nang gawin ang special episode ng Eat Bulaga sa Philippine Arena.

Inilabas ng Guinness ang datos noong Huwebes, August 23 kasabay ng paggunita ng “Hashtag Day”.

TAGS: AlDub, eat bulaga, Radyo Inquirer, Tamang Panahon, AlDub, eat bulaga, Radyo Inquirer, Tamang Panahon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.