Bagyong Luis humina habang kumikilos patungong baybayin ng Taiwan

Bahagyang humina ang tropical depression Luis habang mabagal itong kumikilos patungo sa kanlurang baybayin ng Taiwan.

Sa latest weather bulletin mula sa PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa 435 km North Northwest ng Basco, Batanes

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Southwest sa bilis na 7 kilometers bawat oras.

Ang bagyong Luis ay inaasahang makapagpapalakas pa rin sa Habagat at maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Batanes at Babuyan Islands.

Samantala, isa pang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loobg ng bansa na may posibilidad ding mabuo bilang tropical depression sa susunod na 24 hanggang 48 oras.

Read more...