Pulis sugatan sa landmine sa Iloilo

By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2018 - 11:44 AM

Sugatan ang isang pulis matapos makasagupa ang hindi pa matukoy na bilang ng mga rebeldeng New
People’s Army (NPA), Biyernes (Aug. 24) ng umaga sa Iloilo.

Naganap ang engkwentro sa Barangay Carolina sa bayan ng Leon.

Sa inisyal na ulat, nagpasabog umano ng landmine ang mga rebelde habang nagaganap ang bakbakan.

Dahil dito, nasugatan ang isang pulis na nagsisilbing team leader ng grupo.

Ligtas naman ang kondisyon ng pulis na nadaplisan lamang sa kanang bahagi ng mukha.

Patuloy pa ang clearing operations ng mga otoridad sa lugar.

TAGS: Iloilo, landmine, NPA, Radyo Inquirer, Iloilo, landmine, NPA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.