2 patay, 1 sugatan sa insidente ng pamamaril sa Dagupan

By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2018 - 11:30 AM SHARE(S):

Dalawa ang nasawi habang sugatan ang isa pa sa insidente ng pamamaril na naganap sa Dagupan City.

Ayon kay Dagupan City Police chief, Supt. Jandale Sulit, nasawi ang broker at dating kagawad ng barangay na si Johnny Baniqued, 47 anyos at si Oscar Fernandez na isa namang professor sa University of Luzon.

Nasawi ang dalawa habang ginagamot sa ospital dahil sa natamong tama ng bala sa katawan.

Sugatan naman ang isa nilang kasama na si Peter Ramos, 44 anyos.

Ayon kay Sulit kalalabas lang ng mga bitkima sa De Luxe Restaurant sa Barangay Tapuac at papasakay sana sa kanilang kotse nang salubungin sila ng suspek na sakay ng motorsiklo at saka pinaputukan.
when a man alighted from a motorcycle and opened fire with a caliber .45 pistol.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng krimen ang 16 na basyo ng bala baril, isang bala, na pawang mula sa 45 caliber pistol.

TAGS: dagupan city, Radyo Inquirer, Shooting Incident, dagupan city, Radyo Inquirer, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.