Holdaper na nagtago sa kangkungan arestado ng mga pulis
Arestado ang isang holdaper na nagtago pa sa kangkungan para makatakas mula sa mga pulis.
Kinilala ang suspek na si Andre Otiz, 37-anyos na construction worker at taga-Barangay San Joaquin, Pasig City.
Batay sa Pasig Police, kahapon (August 23) ay hinoldap ni Otiz si Lachman Singh, isang 31-anyos na Indian national at negosyante na residente ng Ayala Homes sa Mandaluyong City.
Nakamotorsiklo si Singh nang biglang harangin siya ni Otiz at tinangay ang pera ng biktima na aabot sa P25,000.
Agad na tumakas ang suspek gamit ang kanyang bisikleta patungong Barangay Tipas sa Taguig City.
Nagsumbong si Singh sa mga pulis, na nagsagawa ng operasyon para matunton si Otiz.
Nagkaroon ng habulan at upang makatakas ay tumalon at nagtago si Otiz sa kangkungan na may water lily sa Bambang, Pasig. Pero hindi ito umbra at nahuli rin siya ng mga otoridad.
Narekober mula sa suspek ang nasa P4,340 cash, plastic sachet ng hinihinalang shabu, at replika ng baril.
Nahaharap si Otiz sa kasong robbery at paglabag sa RA 9165.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.