Pinay sa Georgia pinatay ang mister at saka nagpakamatay

By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2018 - 10:16 AM

Photo from GoFundMe.com

Isang Pinay sa Georgia, USA ang pinatay umano ang kaniyang mister at saka nagpakatamay din.

Ayon sa Forsyth County Sheriff’s Office, pinatay ng Pinay na si Jackielyn Belangel Brewster, 32-anyos ang kaniyang 50-anyos na mister na si Adrian Brewster noong weekend.

Lunes naman nang magpakamatay si Jackielyn.

Natuklasan ang wala nang buhay na katawan ng mag-asawa makaraang tumawag sa 911 ang kanilang kaibigan para hilingin na magsagawa ng welfare check sa bahay.

Noong August 20, pinuntahan ng mga tauhan ang bahay ng mga Brewster sa North Forsyth County at doon nakita ang walang buhay nasina Adrian at Jackielyn.

Hindi naman pa nagbigay ng detalye ang mga otoridad sa kung ano ang ginamit sa pagkamatay ng dalawa habang tinatapos pa ang otopsiya sa kanila.

Natagpuan din ang dalawang bata sa naturang bahay nang dumating ang mga pulis. Kabilang ang 9 na taong gulang na anak ni Jackielyn at ang 3 taong gulang na anak niya kay Adrian.

Ayon sa mga kaibigan ng Pinay, matagal na itong biktima ng domestic violence.

Bumuo na rin ng GoFundMe page ang kaniyang mga kaibigan para maiuwi ang katawan ni Jackielyn sa Pilipinas.

TAGS: Adrian Brewster, Georgia, Jackielyn BElangel Brewster, Radyo Inquirer, Adrian Brewster, Georgia, Jackielyn BElangel Brewster, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.