Apela ni De Lima na makadalo sa oral arguments sa ICC withdrawal sinopla ng SC

By Isa Avendaño-Umali August 24, 2018 - 09:30 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Hindi pinagbigyan ng Korte Suprema ang apela ni detained Senator Leila de Lima na makadalo sa oral argument kaugnay sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.

Sa botong 10-3, tinanggihan ng Supreme Court ang motion for reconsideration ni de Lima na personal na makapunta at makipag-diskusyon sa oral arguments ng mataas na hukuman.

Paliwanag ng Korte Suprema, walang bagong argumento na naipunto si de Lima para tanggapin ang MR nito.

Ang oral arguments ay tuloy sa Martes, August 28, 2018, alas-dos ng hapon.

Matatandaang hiniling ni de Lima sa Kataas-taasang Hukuman na mai-presinta ang sarili sa oral arguments, na nakatakda noong August 14, 2018.

Pero ibinasura ito ng Korte Suprema noong August 7, 2018, at nagtakda ng panibagong petsa para sa oral arguments.

Noong Marso, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na kakalas ang Pilipinas mula sa ICC.

Pero giit ng mga senador, gaya ni de Lima, hindi uubra ang gusto ng presidente na withdrawal ng Pilipinas sa ICC o sa iba pang international agreement dahil mangangailangan ito ng pagpapawalang-bisa ng batas.

TAGS: appeal, ICC, leila de lima, Radyo Inquirer, appeal, ICC, leila de lima, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.