Impeachment complaint laban sa 7 SC justices dapat aksyunan ng kamara

By Erwin Aguilon August 24, 2018 - 08:13 AM

Iginiit ng mga complainant sa reklamong impeachment laban sa pitong mahistrado ng Supreme Court na kailangang aksyunan ng kamara ang kanilang reklamo.

Ayon kina Albay Cong. Edcel Lagman, Magdalo Rep. Gary Alejano, Ifugao Cong. Teddy Baguilat hindi maaring upuan ang impeachment complaint dahil constitutional mandate ng kamara ang aksyunan at idaan sa tamang proseso ang impeachment complaint.

Sa ilalim ng rules ng kamara ang naihaing impeachment complaint ay kailangang ipasa ng secretary general sa Office of the Speaker.

Ang speaker naman ay may sampung araw para ipasa ito sa rules committee habang ang rules committee ay may tatlong araw para isama ito sa agenda ng plenaryo.

Ang plenaryo naman ang magre-refer nito sa justice committee at ang komite ay may animnapung session days para dinggin at resolbahin ang reklamong impeachment.

Sa ilalim ng rules ng kamara ang naihaing impeachment complaint ay kailangang ipasa ng secretary general sa Office of the Speaker.

TAGS: Impeachment complaint, Radyo Inquirer, Impeachment complaint, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.