2 patay, 95 ang arestado sa 5-oras na operasyon ng mga pulis sa Cebu

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 24, 2018 - 06:45 AM

Photo: Cebu Police Provincial Office

Nagkasa ng Synchronized Managing Police Operations o SEMPO ang Cebu Police Provincial Office na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang drug suspect at pagkakaaresto sa 95 iba pa.

Ayon kay Acting Provincial Dir. P/Sr. Supt. Manuel Javier Abrugena, nasawi ang mga suspek na sina Parolito Obrero ata Phil John Ediza makaraang manlaban sa mga otoridad.

Umabot naman sa 95 iba pa ang nadakip sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan sa loob lamang ng limang oras na operasyon.

Kabilang sa mga paglabag ng mga nadakip na suspek ay may kaugnayan sa ilegal na droga, illegal gambling at loose firearms.

Kasamang naaresto ang isang dating pulis mula sa Santa Fe, Cebu na kinilalang si Alberto Sindol Veliganio na nasibak sa trabaho noong 2001.

Nakumpiska din ng mga pulis ang 295 na sachets ng hinihinalang shabu at 19 na hindi lisensyadong mga armas.

Mayroon ding iba sa kanila ang dinakip dahil mayroong standing warrant of arrest na inisyu ng korte.

TAGS: anti illegal drugs operation, cebu, war on dugs, anti illegal drugs operation, cebu, war on dugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.