DTI may crackdown sa mga nananamantala sa presyo ng manok at baboy
Magpapatupad ng crackdown ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga nananamantalang traders at vendors sa presyo ng manok at baboy.
Ayon kay Trade and Indsutry Sec. Ramon Lopez, nakatatanggap sila ng reklamo sa mataas na presyo ng mga traders dahilan para mapilitan ang mga nagtitinda sa palengke na itaas din ang kanilang presyo.
Para matugunan, pinayagan ng Department of Agriculture and DTI na mag-isyu ng notice of violation sa mga lumalapag na market players.
Sa sandaling hindi pa rin baguhin ang presyo ay maaring maipasara ang tindahan at makumpiska ang itinitindang produkto.
Ayon kay Lopez, base sa kanilang monitoring ilang vendors ang nagbebenta ng manok na P140 hanggang P150 ang kada kilo na mas mataas ng P10 kumpara sa itinakdang presyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.