State of emergency idineklara sa Hawaii sa pananalasa ng Hurricane Lane
Idineklara ni United States President Donald Trump ang state of emergency sa buong Hawaii matapos manalasa dito ng Hurricane Lane.
Ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration, bahagya nang humina ang naturang bagyo at nasa Category 4-storm na lamang.
Ngunit, may dala pa rin itong hangin na aabot sa 215 kilometro bawat oras, bukod pa sa malalakas na buhos ng ulan, at malalaking alon.
Paalala ng US weather bureau sa mga residente ng Hawaii, dahil sa dami ng ulang ibubuhos ng Hurricane Lane, dapat ay maghanda na ang mga ito sa posibilidad ng malawakang flashfloods at landslides.
Inaasahan ring tataas ng dalawa hanggang apat na talampakan ang lebel ng dagat na posibleng magdulot ng storm surge o daluyong at malalaki at mapanirang mga alon.
Nauna nang sinabi ng US Navy na aalisin muna nila pansamantala ang mga barko at submarines na nakadaong sa Hawaii upang hindi ma-trap sa pananalasa ng Hurricane Lane.
Samantala, inaasahan ng mga otoridad ang tuluyang paghina ng bagyo sa darating na weekend. Ngunit babala ng weather forecasters, magiging mapanira pa rin ito habang ito ay nasa hurricane category.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.