Fighter jets mula US hindi kailangan ng Pilipinas — Pangulong Duterte

By Chona Yu, Len Montaño August 24, 2018 - 12:26 AM

Hindi kailangan ng Pilipinas ang mga high-powered fighter jets na manggagaling sa Amerika dahil ang kailangan lang ng bansa ay mga eroplano na makakatulong sa paglaban sa mga rebelde.

Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Eastern Mindanao Command, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala namang kaaway ang bansa kaya hindi kailangan ang mga F16.

Pahayag ito ng pangulo matapos nitong basahin ang sulat mula sa US Secretary of State na nag-imbita sa kanya.

Gusto umanong makausap si Pangulong Duterte ng tatlong cabinet secretaries ni US President Donald Trump kabilang sina Secretary of State Mike Pompeo, Commerce Secretary Wilbur Ross, at Defense Secretary James Mattis.

Hindi umano pupunta ang pangulo sa Amerika pero gusto nitong mag-debate sila ng tatlong kalihim ni Trump sa ilang isyu gaya ng pagbebenta ng eroplano at armas ng US sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.