Sen. Sotto nangakong mamadaliin ang pagpasa sa Senado ng 14th month pay bill
Nangako si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na mamadaliin niya ang pagpasa sa panukala na layong mabigyan ng 14th month pay ang mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ayon kay Sotto, nais niyang makalusot ang Senate Bill No. 2 o ang ‘14h Month Pay’ Law sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado sa Setyembre.
Muli anya niya itong ifofollow-up sa Senate Panel on Labor, Employment and Human Resources Development na pinamumunuan ni Sen. Joel Villanueva.
Iginiit ni Sotto na wala dapat ikabahala ang mga pribadong kumpanya dahil mayroon namang exemptions para rito.
Tuad anya ng 13th month pay na exemptions ay ganun din ang kanyang panukala.
Ayon sa senador, hindi obligado ang lahat ng kumpanya na magbigay ng 14th month pay basta’t hihingi lamang ng sertipikasyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Naniniwala ang pangulo ng Senado na kayang-kaya ipatupad ang 14th Month Pay dahil maraming kumpanya ang may kakayahang ibigay ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.