Kapatid ng drug suspek arestado matapos tangkaing suhulan ang mga pulis-QC

Arestado ang isang lalaki matapos subukang suhulan ang mga pulis sa Quezon City Police District (QCPD) Station 1, La Loma.

Nakilala ang suspek na si Jonathan Prodigalidad, 41 taong gulang na isang driver at kapatid ng naunang nahuling drug suspek na si Isagani.

Ayon kay PO2 Arnold Libanan, dumating si Jonathan sa himpilan ng mga pulis upang komprontahin ito sa pagkakaaresto ng kanyang kapatid.

Nag-alok pa umano ito ng P30,000 kapalit ng kalayaan ng kanyang kapatid.

Dahil dito ay agad na inaresto si Jonathan dahil sa paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code o ang Corruption of Public Officials.

Read more...