Isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang inaresto ng mga otoridad sa Zamboanga City.
Nakilala ang lalaki na si Nasir Daud na mayroong kinakaharap na kasong kidnapping at serious illegal detention with ransom.
Isa si Daud sa mga suspek sa pandurukot sa isa negosyante sa Barangay Pasonanca noong January 2004.
Dahil dito ay nag-isyu ng warrant of arrest si Zamboanga City Regional Trial Court (RTC) Branch 16 noong Hunyo ng kaparehong taon.
Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng tip mula sa hindi pinangalanang informant tungkol sa planong pagpunta ni Daud sa Zamboanga City Hall of Justice upang kumuha ng clearance.
Dinala si Daud sa Zamboanga City Police Station 11 upang kaharapin ang mga kasong nakasampa laban sa kanya.