Malacañang ipinangako ang imbestigasyon sa 130,000 sako ng bigas na nabukbok
Nangako ang Palasyo ng Malacañang na iimbestigahan ang kaso ng pagkabukbok ng 133,000 sako ng bigas sa Subic Bay Freeport Zone.
Tiniyak ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque lalo pa’t ang National Food Authority (NFA) ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Office of the President (OP).
Sinabi ni Roque na sa ngayon ay naghihintay pa ang palasyo ng sagot kung bakit napeste ang mga bigas.
Alam na anya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyari sa mga bigas na ito na iniangkat mula sa Thailand.
Sinabi pa ng kalihim na hindi dapat ito nangyari dahil ang taumbayan ang nagbayad sa mga inaangkat na bigas ngunit hindi naman ito nakakarating sa kanila.
Aabutin pa ng halos dalawang linggo bago mapatay ang mga bukbok o rice weevils bago mailipat sa mga bodega.
Samantala, inanunsyo rin ng Malacañan na kasalukuyan nang tinutugunan ng NFA ang problema sa bigas sa pamamagitan ng mga binubuong Bigasang Bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.