Pagkakaibigan ng Pilipinas at US pinwersa lamang ayon kay Pangulong Duterte
Muling binweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos na gustong bigyan ang bansa ng mga gamit pang-militar.
Sa kanyang talumpati sa Davao City ay sinabi ng pangulo na hindi napagkasunduan ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Aniya, hindi rin mutually satisfying ang nasabing pagkakaibigan.
Paliwanag ng pangulo, pinilit lamang ang pagkakaibigan ng dalawang bansa matapos ipanalo ng Amerika ang Spanish-American war.
Mistula aniyang ibinigay ang Pilipinas sa US.
Inungkat pa ng pangulo ang tungkol sa Balangiga Bells na ipinagkakait ibalik ng Estados Unidos sa bansa.
Hirit ng pangulo, hindi kayang magamot ng 100 taon ang injustice na naranasan ng Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.