Bagyong Luis bumagal matapos mag-landfall sa Taiwan; isang bagong LPA, namuo sa Silangan ng Cagayan

By Rhommel Balasbas August 24, 2018 - 12:26 AM

Bumagal ang kilos ng Tropical Depression Luis matapos mag-landfall sa Southern Taiwan.

Sa 11pm weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 385 kilometro Hilaga Hilagang-Kanluran ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Inaasahang hahatakin ng Bagyong Luis ang Habagat na magdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region. Cordillera Administrative Region (CAR), Batanes at Babuyan Group of Islands.

Ibinabala ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mabababa at mabundok na lugar.

Samantala, isang bagong Low Pressure Area (LPA) ang namuo sa layong 1,000 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.

Posibleng maging bagong bagyo ang sama ng panahon sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

Inaabisuhan ang publiko at mga ahensya na tutukan ang mga abiso ng PAGASA tungkol sa lagay ng panahon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.