22 sundalo sugatan sa bakbakan sa Sulu

Nasugatan ang 22 sundalo sa engkwentro sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Sulu.

Nakasagupa ng tropa mula sa 41st Infantry Battalion ang 44 na terorista sa ilalim ni sub-leader Idang Susukan at Ben Tattoo sa Barangay Langhub sa bayan ng Patikul.

Tumagal ng 45 minuto ang sagupaan na nagresulta sa pagkamatay ng isang hinihinalang terorista na kinilalang si Alpata Abdurasa.

Ayon sa militar, 17 sa mga sugatan ang tinamaan ng M203 shrapnel, tatlo naman ang sugatan sa tama ng bala ng baril at dalawa ay dahil sa pagsabog.

Nagpadala naman ng dagdag na mga sundalo na tumugis sa mga tumakas na bandido.

Read more...