Konstruksyon ng Makati City subway, sisimulan sa Disyembre
Nakatakdang simulan sa Disyembre ng lokal na pamahalaan ng Makati at isang pribadong consortium ang $3.7 bilyong halaga ng intra-city subway project.
Layon ng subway na maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa Makati City.
Ang subway na inaasahang makakapagsakay ng 700,000 pasahero kada araw, ay magdudugtong sa mga pangunahing public at business spots ng syudad.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ang subway ay magkokonekta sa mga business districts sa Ayala Avenue, Makati City Hall, Poblacion Heritage Site, University of Makati, Ospital ng Makati at ibang business zone sa lungsod.
Ang 10-kilometer subway ay mayroong 10 stations na magkokonekta sa central business district hanggang sa ikalawang business district.
Target na matapos ang pagtatayo ng subway sa taong 2025.
Tiniyak ni Binay na hindi makasasagabal sa mga kalsada ang konstruksyon ng subway dahil gagawin ito sa underground.
Ang proyekto aniya ay unsolicited public-private partnership sa pagitan ng consortium sa pangunguna ng IRC Properties Inc. at ng lokal na pamahalaan.
Giit pa ng alkalde, walang gagastusin ang Makati City government sa nasabing multibillion-dollar project.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.