Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkalat sa bansa ng bagong droga na nakalalason ng isip at hindi pa naisasama sa listahan ng mga banned substance.
Ayon kay PDEA spokesperson Derrick Carreon, ang psychoactive GMB ay inihahalo sa party drug na ecstacy para lalong malakas ang tama nito.
Nakatutok ngayon ang ahensya sa pagkontrol sa paglaganap ng GMB dahil hindi pa ito kasama sa listahan ng mga ilegal na droga sa ilalim ng mga batas sa bansa.
Isa pang psychoactive substance na minomonitor ng PDEA ang GHB o liquid ecstacy.
Sinabi ni Carreon na mayroong mahigit 600 na uri ng psychoactive substances at pito hanggang walo sa mga ito ay nasa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.