Cimatu, magli-leave sa DENR

Inanunsyo ni Secretary Roy Cimatu na magli-leave of absence muna siya mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Pero pansamantala lamang ang kanyang leave dahil kailangan niyang gampanan ang tungkulin ng pagiging Special Envoy to Libya.

Matatandaang inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa mga kinatawan ng gobyerno ng Pilipinas na makikipag-negosasyon para sa kalayaan ng tatlong Filipino engineers na dinakip sa Libya.

Ayon kay Cimatu, isa pa sa kanyang misyon ay humingi ng tulong mula sa Libyan government para maayudahan ang mga pamilya ng mga bihag na Pinoy.

Makakasama ni Cimatu sa misyon sina Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, Presidential Spokesperson Harry Roque at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Wala pang nabanggit na petsa kung kailan ang biyahe ng mga opisyal patungong Libya.

Read more...