Pilipinas, handang tumulong sa mga biktima ng lindol sa Indonesia – DFA
Muling inihayag ng Pilipinas ang kahandaan nito na magpadala ng tulong sa Indonesia matapos ang malakas na lindol na tumama sa island province ng Lombok.
Ipinarating ito ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi sa official visit nito sa Jakarta.
Sa pulong ng dalawang opisyal, ipinarating ni Cayetano ang pakikisimpatya dahil sa pagkasawi ng nasa 500 katao at pinsalang idinulot ng tatlong lindol na yumanig sa Lombok.
Sinabi naman ni Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong T. Wee na hiningi rin ni Cayetano ang suporta at tulong ng Indonesia para sa repatriation ng mga Filipino fishermen na nahuli dahil umano sa illegal fishing.
Nasa 8,000 na Pilipino ang kasalukuyang naninirahan sa Indonesia kung saan ang karamihan ay nasa managerial at professional position habang ang iba ay nasa technical o education sector.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.