WATCH: 7 mahistrado ng SC na bumoto sa quo warranto vs Sereno, ipinagharap ng impeachment complaint sa Kamara

By Erwin Aguilon August 23, 2018 - 03:51 PM

Ipinagharap na ng impeachment complaint sa Kamara ang pitong mahistrado ng Supreme Court na bumotong pabor sa quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kabilang sa mga ipinagharap ng reklamo sina Supreme Court Associate Justices:
– Teresita De Castro
– Diosdado Peralta
– Lucas Bersamin
– Francis Jardeleza
– Noel Tijam
– Andres Reyes Jr.
– Alexander Gesmundo

Paglabag sa culpable violation of the Constitution ang inilagay na ground nina Albay Rep. Edcel Lagman, Magdalo Rep. Gary Alejano, Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Akbayan Rep. Tom Villarin ang tumayong complainant sa kanilang impeachment complaint.

Nakasaad sa reklamo na nilabag ng mga nasabing mahistrado ang Saligang Batas matapos paboran ang quo warranto petition kay Sereno na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG).

Sa ilalim anila ng 1987 Constitution, impeachment lamang ang maaring mag-alis sa pwesto sa impeachable officials tulad ni Sereno.

Karagdagang betrayal of public trust naman ang inilagay sa reklamo laman kina De Castro, Peralta, Tijam at Jardeleza dahil sa hindi ng mga ito pag-inhibit sa quo warranto petition kahit na sa simula pa lamang ay nagpakita na ang mga ito ng bias laban kay Sereno.

Hindi naman isinama sa reklamo si Ombudsman Samuel Martires dahil wala na ito sa korte matapos humalili kay dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Hiniling naman ng mga complainant sa Judicial and Bar Council (JBC) na huwag isama sa pagpipilian bilang susunod na chief justice sina De Castro, Peralta, Bersamin at Reyes dahil sa mayroon na ang mga itong nakabinbing reklamong impeachment na mas mabigat pa sa nakabinbing administrative case na nagdi-disqualify sa isang aplikante sa posisyon na itinatadhana ng JBC rules.

Narito ang buong ulat ni Erwin Aguilon:

TAGS: Impeachment complaint, JBC, Kamara, Supreme Court, Impeachment complaint, JBC, Kamara, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.