DSWD, nagbabala vs mga scammer

By Isa Avendaño-Umali August 23, 2018 - 03:12 PM

Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa mga scammer na ginagamit umano ang pangalan ng ahensya sa kanilang mga ilegal na aktibidad o katiwalian.

Sa isang statement, pinayuhan ni DSWD Secretary Virgina Orogo ang mga tao na mag-ingat at maging mapagmatyag laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na emplyedo o opisyal ng kagawaran.

Ayon kay Orogo, maaaring isumbong sa kanilang ahensya ang anumang insidente ng panloloko upang magawan ng karampatang aksyon.

Giit ng kalihim, hindi hahayaaan ng DSWD ang mga impostor na gamitin ang ahensya upang makapanlamang ng iba.

Kamakailan, naglabas ng babala ang DSWD-Bicol Region kaugnay sa isang scammer na nagpakilala bilang si DSWD Field Office 5 Regional Director Arnel Garcia.

Ang suspek ay humingi umano ng pera, cellphone loan, hotel accommodations at catering services, sa ilalim ng pangalan ni Garcia.

Gayunman, nilinaw ni Garcia na wala siyang hinihinging anumang pabor at sinabing biktima siya ng isang impostor.

Bukod dito, marami ring kaso kung saan may text messages na nababanggit ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nagpapa-raffle daw.

Ayon sa DSWD, wala silang pa-raffle sa ilalim ng 4Ps kaya kung makatanggap ng naturang text message ay agad na i-report sa kanilang kagawaran o kaya sa National Telecommunications Commission (NTC).

TAGS: dswd, scammer, Secretary Virgina Orogo, dswd, scammer, Secretary Virgina Orogo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.