Peter Lim, pinasusuko ng Palasyo

By Chona Yu August 23, 2018 - 03:11 PM

Sumuko ka na!

Ito ang naging panawagan ng Palasyo ng Malakanyang sa hinihnalang drug lord na si Peter Lim.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, kung totoong hindi drug lord si Lim dapat na itong sumuko para patunayan sa korte na inosente siya sa alegasyon.

Tiniyak pa ni Roque na kahit hindi sumuko si Lim, makukuha rin siya ng mga awtoridad.

Ginagarantiya naman aniya ng gobyerno na bibigyan ng pagkakataon si Lim na maidepensa ang sarili sa korte.

Wala rin aniyang dapat na ikatakot si Lim na mabiktima ng injustice dahil napatunayan na ng Pilipinas sa buong mundo na independent ang korte sa bansa.

Aminado si Roque na sa ngayon, wala pang impormasyon na natatangap ang Palasyo na nakalalabas na ng bansa si Lim o kung saan nagtatago ang hinihinalang drug lord.

Matatandaang bigo ang mga pulis na matunton si Lim sa dalawang address sa Cebu.

Si Lim ay mayroong warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos na ingusong kakilala ni Kerwin Espinosa sa pagpapakalat ng ilegal na droga.

TAGS: Palasyo ng Malakanyang, Peter Lim, Sec. Harry Roque, Palasyo ng Malakanyang, Peter Lim, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.