Draft ng Pederalismo, bukas sa kritisismo at komento sa publiko

By Chona Yu August 23, 2018 - 02:16 PM

Binuksan na sa publiko ng Palasyo ng Malakanyang para sa komento ang draft Federalism na una nang binalangkas ng 22 miyembro ng Consultative Committee (Con-com).

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang gustong marinig ang feedback ng iba’t ibang stakeholder para lalong mapaganda ang pagbalangkas sa Pederalismo bago isumite sa Kongreso.

“The President would consider the comments of the people and can improve the draft before submitting it to Congress. We will consider the feedback, and if need be, incorporate some of them in the proposal to Congress. Of course, the feedback is also important to Congress,” pahayag ni Roque.

Agad namang nilinaw ni Roque na hindi ito nangangahulugan na hindi kuntento ang pangulo sa naging trabaho ng Concom at ang pagtanggap ng feedback ay bahagi na rin ng public discourse.

Nagpasya ang pangulo na buksan sa publiko ang Pederalismo matapos umani ng batikos mula mismo sa kanyang economic managers.

Ayon kay Roque, maaring ipadala ang mga komento sa pamamagitan ng email o sulat at maaring ipadala sa Office of the Presidential spokesman o hindi kaya sa Presidential Communicaitons Operations Office (PCOO).

Maari rin aniyang personal na magtungo sa Malakanyang para ipaabot ang kanilang komento sa Pederalismo.

TAGS: Consultative Committee, draft ng Pederalismo, Harry Roque, Pederalismo, SEC, Consultative Committee, draft ng Pederalismo, Harry Roque, Pederalismo, SEC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.