Choral group mula QC Polytechnic University wagi ng tatlong medalya sa kompetisyon sa Singapore
Nagwagi sa kompetisyon sa Singapore ang choral group mula sa Quezon City Polytechnic University.
Nag-uwi ng tatlong silver medals ang grupong “Galaw Awit Ngiti Arte Palakpak” (GANAP-QCPU) ng nasabing unibersidad sa katatapos na Singapore International Choral Festival 2018.
Nanalo ang GANAP-QCPU sa Mixed Voices under 25 category, Folklore Open category, at sa Musica Sacra Open.
Ang kopetisyon ay ginanap sa National University of Singapore.
Ayon kay Dr. Alexis Jan M. Patacsil, artistic director ng GANAP-QCPU ito ang unang pagkakataon na lumahok sa kompetisyon ang kanilang grupo.
Mahigit 60 choral groups mula sa Asya, Europe, at North America ang lumahok sa Singapore International Choral Festival 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.