Binabantayang LPA ng PAGASA isa nang bagyo

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 23, 2018 - 12:10 PM

Nabuo na bilang isang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Pinangalanan ng PAGASA ang tropical depression bilang Luis.

Ang nasabing bagyo ay nauna nang tumama sa bisinidad ng Kaoshiung, Taiwan alas 8:00 ng umaga ng Huwebes (Aug. 23).

Huling namataan ang bagyong Luis sa 290 kilometers North Northwest ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong east northeast.

Ayon sa PAGASA walang magiging direktang epekto saanmang panig ng bansa ang nasabing bagyo.

Gayunman, palalakasin nito ang Habagat na maghahatid ng kalat-kalat na katamtaman hanggang s amalakas na pag-ulan sa La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Batanes at Babuyan Group of Islands at sa Codillera Administrative Region (CAR) simula bukas.

TAGS: LuisPH, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical Depression, weather, LuisPH, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.