178 OFWs na naapektuhan ng runway closure nakatanggap ng cash assistance mula DFA

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 23, 2018 - 09:31 AM

DFA Photo

Umabot na sa 178 na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng runway closure sa NAIA ang nabigyang ayuda ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang mga OFWs na na-stranded ay binigyan ng P5,000 financial assistance ng DFA.

Ipinagkaloob ang financial assistance sa DFA Home Office sa Pasay at sa NAIA Terminals 1, 2, at 3.

Inaasahan naman ng DFA na madaragdagan pa ang bilang ng mga OFWs na mabibigyan ng cash assistance.

Ang iba kasi na nakaalis na ng bansa pero naapektuhan ngnaganap na aberya sa NAIA ay maaring magtungo sa pinakamalapit na Philippine Embassy o consular office sa bansa kung saan sila naroroon.

Magpapatuloy ang pagbibigayng financial assistance ng DFA sa mga naapektuhang OFWs hanggang August 31, 2018.

TAGS: DFA, Financial Assistance, OFWs, Radyo Inquirer, DFA, Financial Assistance, OFWs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.