3 katao kabilang ang 2 barangay tanod arestado sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo August 23, 2018 - 07:57 AM

Inquirer file photo

Arestado ang dalawang barangay tanod matapos mahulihan ng shabu sa Malate, Maynila.

Ayon kay Senior Insp. Erwin Fuggan ng Manila Police District Station 9, gamit pa ng dalawang tanod ang patrol vehicle ng Barangay 787 sa Sta. Ana, Maynila nang sila ay bumili ng ilegal na droga.

Umamin naman na ang isa sa mga tanod at sinabing gumagamit lang siya ng shabu para hindi antukin sa trabaho.

Maliban sa dalawang barangay tanod, inaresto din ang kasama nila na isang parking attendant.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 3 sachet ng shabu na may halagang P1,200.

Ipatatawag naman ng MPD ang kapitan ng barangay na nakakasakop sa dalawang tanod hinggil sa pagkakaaresto ng mga ito.

TAGS: Illegal Drugs, malate manila, Radyo Inquirer, Illegal Drugs, malate manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.