Dating kagawad ng barangay patay sa pamamaril sa Maynila

Nasawi ang isang dating kagawad ng barangay makaraang pagbabarilin sa harap ng isang eskwelahan sa Sta. Cruz, Maynila.

Tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Julio Turla na dating kagawad sa Barangay 314 bago nanilbihan bilang barangay secretary.

Sa kuha ng CCTV sa lugar dumating ang suspek na sakay ng motorsiklo, lumapit sa biktima, at saka sya pinagbabaril.

Isa namang nakatambay lang sa lugar ang nasugatan matapos na madaplisan ng bala.

Inaalam pa ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District kung ano ang motibo sa pananambang.

Read more...