ISIS naglabas ng umano’y audio recording ng lider nilang si al-Baghdadi

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 23, 2018 - 07:18 AM

SITE Intel Group

Naglabas ang ISIS ng isang bagong audio recording na ayon sa grupo ay bagong speech ng kanilang lider na si Abu Bakr al-Baghdadi.

Sa ulat na lumabas sa SITE Intelligence Group, ang voice recording ay tumagal ng halos 55 minuto at posibleng inirekord umano nitong nagdaang mga linggo lamang.

Ito ang unang pagkakataon na muling naglabas ng audio recording si al-Baghdadi mula noong September 28, 2017 kaya umugong ang mga balitang posibleng siya nakaratay na o patay na.

Sa naturang speech, tiniyak nito sa mga tagasuporta na nananatiling malakas at may kakayahan ang ISIS.

Nagbanta din ang ISIS leader ng patuloy na pagsasagawa ng conventional at unconventional na mga pag-atake sa Canada, Europa at iba pang mga lugar sa gamit ang iba’t ibang pamamaraan gaya ng pagpapasabog.

Wala pang pahayag ang mga otoridad hinggil sa authenticity ng nasabing audio recording.

TAGS: Abu Bakr al-Baghdadi, audio recording, ISIS, Site Intel Group, Abu Bakr al-Baghdadi, audio recording, ISIS, Site Intel Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.