Papua New Guinea niyanig ng magnitude 5.8 na lindol
By Donabelle Dominguez-Cargullo August 23, 2018 - 07:16 AM
Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Papua New Guinea.
Naitala ang lindol alas 2:49 ng madaling araw ng Huwebes, Aug. 23 oras sa Pilipinas.
Ayon sa US Geological Survey, naramdaman din ang pagyanig sa Solomon Islands.
Ang sentro ng lindol ay naitala sa 81 kilometers ng Papua New Guinea.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.