TRAIN 2 hindi magdudulot ng kawalan ng trabaho ayon sa DOF

By Chona Yu August 23, 2018 - 03:01 AM

Tiniyak ng Department of Finance (DOF) na hindi magdudulot ng kawalan ng trabaho ang isinusulong na package 2 ng tax reform.

Sa pulong balitaan sa Malacañan, sinabi ni Finance Undersecretry Karl Kendrick Chua na katunayan, lilikha pa ng mas maraming trabaho ang package 2 na naglalayong ibaba ang corporate income tax at tanggalin ang mga tax incentives sa mga kumpanya.

Sinabi pa ni Chua na hindi maglalayasan ang mga kumpanya sa Pilipinas dahil masyadong profitable ang Pilipinas at mayroong siguradong merkado.

“So wala po kami nakikitang job loss, iyong mga unnecessary incentives na matatanggalan ng incentives eventually, that’s why they are called unnecessary because in our opinion they will continue to invest of operate even without the incentives because they are inherently profitable or there is a sure market,” ani Chua.

Nabatid na noong 2016 lamang, aabot sa P179 bilyon ang nawala sa kaban ng bayan dahil sa ibinigay na tax incentives.

TAGS: BUsiness, BUsiness

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.