Panukalang 10-day service incentive leave ng manggagawa pasado sa ikalawang pagbasa

Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala para sa pagdaragdag ng service incentive leave ng mga manggagawa.

Sa ilalim ng House Bill No. 6770 gagawing sampung araw ang service incentive leave ng mga empleyado mula sa kasalukuyang limang araw.

Layunin ng panukala na mag-aamyenda sa Labor Code na itaas ang morale at maging mas produktibo ang mga ito.

Kapag naging batas ang mga manggagawa na nakapagsilbi ng isang taon ay maaaring makapag avail ng sampung araw na service incentive leave.

Hindi naman applicable ang panukala para sa mga manggagawa na tumatanggap na ang service incentive leave at mga empleyado na nagtatrabaho sa kumpanya na wala pang sampu ang mga manggagawa.

Read more...