Ayon sa PAGASA batay sa report mula sa kanilang mga istasyon, “light haze to clear atmosphere” ang naobserbahan sa buong Pilipinas, alas 8:00 ng umaga ng Miyerkules, October 28.
Sa Tagbilaran, natatanaw na muli ang Bohol Panglao Island at ang Mount Maribojoc na ilang araw ding natakpan ng makapal na haze. “Based on the 8:00AM weather reports of visibility at PAGASA stations light haze to clear atmosphere were observed all over the country,” ayon sa abiso ng PAGASA.
Sinabi ng PAGASA-Bohol station na ang pagpasok ng Amihan ay nakatulong para maitulak papalayo ang haze.
Sa kabila nito, tuloy ang pagsusuot ng mask ng mga residente sa lugar para matiyak ang kaligtasan ng kanilang kalusugan.
Sa Zamboanga City, mas maayos na rin ang sitwasyon. Ang Pasonanca Watershed’s mountains ay natatanaw na rin matapos mabawasan ang makapal na usok na bumalot dito.