Epekto ng haze sa Visayas at Mindanao, unti-unti nang humuhupa

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2015 - 01:42 PM

 

hazeNabawasan na ang epekto ng haze sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dulot ng forest fire na nagaganap sa Indonesia.

Ayon sa PAGASA batay sa report mula sa kanilang mga istasyon, “light haze to clear atmosphere” ang naobserbahan sa buong Pilipinas, alas 8:00 ng umaga ng Miyerkules, October 28.

Sa Tagbilaran, natatanaw na muli ang Bohol Panglao Island at ang Mount Maribojoc na ilang araw ding natakpan ng makapal na haze. “Based on the 8:00AM weather reports of visibility at PAGASA stations light haze to clear atmosphere were observed all over the country,” ayon sa abiso ng PAGASA.

Sinabi ng PAGASA-Bohol station na ang pagpasok ng Amihan ay nakatulong para maitulak papalayo ang haze.

Sa kabila nito, tuloy ang pagsusuot ng mask ng mga residente sa lugar para matiyak ang kaligtasan ng kanilang kalusugan.

Sa Zamboanga City, mas maayos na rin ang sitwasyon. Ang Pasonanca Watershed’s mountains ay natatanaw na rin matapos mabawasan ang makapal na usok na bumalot dito.

TAGS: hazaeinvisayasandmindanao, hazaeinvisayasandmindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.