Posibleng Binay vs. Binay scenario sa Makati sa 2019, lumulutang

By Rhommel Balasbas August 23, 2018 - 12:55 AM

Inihayag ni Makati City Mayor Abigal Binay na muli siyang tatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod sa 2019 elections.

Ito ay kasunod ng mga balita na tatakbo rin sa pagka-alkalde ang kanyang kapatid na si dating Mayor Jejomar ‘Junjun’ Binay Jr.

Sinabi ng babaeng Binay na may mga paramdam na tatakbo ang kanyang kapatid ngunit hangga’t hindi pa naghahain ito ng kandidatura ay hindi ito makukumpirma.

Sa kabila ng mga posibilidad na ito ay kampante si Abigail na tatakbo siya ng may buong suporta mula sa kanyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay Sr.

Pinabulaanan din nito ang posibilidad ng sigalot sa kanilang pamilya at sinabing lahat sila ay nagkakaintindihan.

Iginiit ng incumbent mayor na kung papayagan ng Makati residents ay gusto niyang magsilbi hanggang sa ikatlong termino.

Nais niya umano na makitang matapos ang konstruksyon ng multi-bilyong dolyar na subway project sa lungsod na gusto niyang iwang legasiya para sa Makati.

Samantala, ngayon anya ay busy ang kanyang ama sa pagtuturo na ‘first love’ umano nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.