Binweltahan ng Palasyo ng Malacañan si dating Pangulong Noynoy Aquino matapos igiit na ikakampanya niya ang mga taga-oposisyon na tatakbo sa 2019 elections.
Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, mas makabubuti kung hahayaan na lamang ang taumbayan ang humusga sa mga kandidato sa susunod na eleksyon.
Sinabi ni Go na batid naman ng lahat na may kanya-kanyang kandidato ang administrasyon at oposisyon kaya may kanya-kanya ding kampanya.
Kampanteng sinabi ni Go na mararamdaman naman ng mayoryang Pilipno na ligtas nang maglakad sa mga kalye.
Naniniwala si Go na hindi na kailangang ipagmalaki ng administrasyon ang mga nagawa nito dahil mismong ang tao na ang makakaramdam nito.
MOST READ
LATEST STORIES