Pangulong Duterte nakipagpulong kay Nur Misuari sa Davao City
Nagkaroon ng pagpupulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari sa Davao City araw ng Miyerkules.
Ito ay ayon mismo kay Special Assistant to the President Christopher ‘Bong Go’.
Wala pang opisyal na detalye tungkol sa napag-usapan ng pangulo at ng MNLF leader.
Gayunman, ayon kay Go, nagpahayag sina Duterte at Misuari ng kagustuhang matamo ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao.
Samantala, bukod kay Misuari, ay nakapulong din ng pangulo sina Indonesian Ambassador Dr. Sinyo Harry Sarundajang, mga alkalde ng Sulu, Dante Ang, at special envoy of the Royal Council of the Sulu Sultanate Datu Shahbandar Abdusakur Tan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.