Pilipinas tinalo ng Chinese Taipei sa women’s softball tournament sa Asian Games
Bigo ang Philippine Blu Girls na talunin ang koponan ng Chinese Taipei sa kanilang naging tapatan kagabi para sa women’s softball tournament ng 2018 Asian Games.
Natapos ang laro sa iskor na 3-2 pabor sa Chinese Taipei.
Ayon sa coach ng Pilipinas na si Randy Dizer, masakit para sa kanya na matalo, lalo na’t ilang beses silang nagkaroon ng tsansa na maipanalo ang laro sa umpisa pa lamang ng laban.
Magtatapat naman ulit ang dalawang mga koponan sa susunod na Huwebes, August 30, para sa rematch kung saan posibleng makuha ng Pilipinas ang bronze medal kung babawian nito ang kalaban.
Pagtitiyak ni Dizer, gagawin nila ang lahat upang makabawi.
Sakaling manalo ang Blu Girls sa kanilang rematch laban sa Chinese Taipei ay ito na ang magiging unang medalya ng bansa par sa softball event sa Asian Games.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.