Dalawang binata arestado dahil sa pagbebenta ng marijuana sa Quezon City

Contributed photo

Timbog ang dalawang kabataan matapos mahuli sa akto ng mga otoridad na nag-aabutan ng marijuana sa kanto ng Judge Jimenez at F. Manalo Street sa Quezon City.

Isa sa mga naaresto ay 18 taong gulang na isang mag-aaral na nasa Grade 9 na.

Nabatid ng mga otoridad na sa pamamagitan ng Facebook Messenger nakakausap ng suspek ang kanyang mga parokyano na pawang mga kabataan at estudyante rin.

Narekober mula sa mga ito ang apat na sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Napag-alaman pang ang suspek ay dati nang sumailalim sa juvenile rehabilitation noong siya ay 15 taong gulang pa lamang. Ngunit nang makalabas ito ay nagsimula naman siyang magbenta ng marijuana.

Samantala, ang isa namang binatang arestado na bumili sa suspek ng marijuana ay napag-alamang sangkot naman sa robbery-snatching.

Kapwa mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...