Drug suspek patay sa engkwentro sa Nueva Ecija; 8 iba arestado
Isa patay, habang arestado naman ang walong drug suspek sa magkakahiwalay na operasyon ng mga pulis sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Kinilala ang nasawing suspek na si John Rey Francisco alyas Bukol, 21 taong gulang.
Ayon kay Chief Inspector Ranny Casilla, hepe ng San Leonardo Municipal Police, nagsagawa sila ng buy bust operation laban kay Francisco sa Barangay Nieves.
Ngunit nang makatunog ito na pulis ang katransaksyon ay agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba. Gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.
Narekober mula sa suspek ang isang baril at anim na sachet ng shabu.
Samantala, arestado naman ang mag-asawang Maria Cecilia at Menard Ramirez, Ronnel Dela Cruz, Loreta Mactal, at Eusebio Bautista sa Cabanautan City dahil pa rin sa pagkakasangkot ng mga ito a ipinagbabawal na gamot.
Timbog din sa isa pang operasyon si Marlon Paguio mula sa Barangay Bantug, sa bayan ng Talavera; at Jeffrey Cencilla at isang 17 taong gulang na binata sa bayan ng Cabiao.
Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.