Dalawang dating alkalde ng Isabela at Nueva Ecija, hinatulang makulong ng Sandiganbaya

By Erwin Aguilon October 28, 2015 - 12:33 PM

aug 27 justiceHinatulang guilty ng Sandiganbayan 5th Division ang dating alkalde ng Jones, Isabela na si Florante Raspado at tatlong iba pa kaugnay sa pagkakasangkot sa maling paggamit ng pork barrel sa lalawigan.

Base sa 64-pahinang desisyon ng Sandiganbayan na isinulat ni Associate Justice Rafael Lagos, ‘guilty beyond reasonable doubt’ si Raspado para sa kasong falcification of public documents.

Parusang dalawang taon, apat na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw na pagkakakulong at multa na P5,000 ang ipinataw ng korte sa dating alkalde.

Nag-ugat ang kaso sa P7.72M halaga ng pork barrel ni dating Isabela 4th District Representative Antonio Abaya na inilaan para ipambili umano ng 21 unit ng Mitsubishi Delica van para sa distrito ng dating kongresista noong April 2002.

Lumabas sa pagdinig na lumagda ang dating alkalde ng invoice receipt of delivery kahit wala namang physical turnover ng sasakyan.

Itinanggi rin ng mga sinasabing benepisyaryo na may natanggap silang sasakyan.

Sa isinagawa namang pagsusuri ng Land Transportation Office lumabas na wala ni-isa sa mga sinasabing donasyong sasakyan ang nairehistro sa kanila.

Nangangahulugan lamang na bogus ang proyekto at naibulsa lamang ang pondong inilaan para dito.

Samantala, napag-alamang si Raspado ay nasawi na noong June 2015 matapos itong tambangan at barilin ng tatlong suspek.

Samantala, sa hiwalay na desisyon, guilty rin ang hatol ng Sandiganbayan para sa kasong paglabag sa RA 9019 o Anti-Graft and Corrupt Practices laban kay dating Pantabangan, Nueva Ecija Mayor Lucio Uera.

Pagkakabilanggo ng anim na taon at isang araw hanggang sampung taon ang parusang ibinigay ng korte kay Uera bukod pa ang panghabambuhay na pagbabawal sa paghawak nito ng anumang public office.

Base sa 19 na pahinang desisyon ng Anti-Graft Court, napatunayang may direktang interest si Uera sa Priva Power and Allied Services.

Nabatid na pumasok sa kontrata ang dating alkalde sa Priva Power kung saan incorporator, stockholder at director ang kanyang maybahay para sa pamamahala ng Pantabangan Municipal Electric System noong March 2002.

Sinabi ng korte na ginamit din ni Uera ang kanyang posisyon para makapasok sa nasabing kontrata.

Ipinagbabawal ng batas na pumasok sa anumang kontrata ang isang public official sa isang negosyo kung saan meron itong indirect o direct financial interest.

TAGS: FormerJoesIsabelaMayor, FormerPantabanganNuevaEcijaMayor, FormerJoesIsabelaMayor, FormerPantabanganNuevaEcijaMayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.